Archive for November, 2005

No luck

Saturday, November 19th, 2005

Ngayon ako naniniwalang may mga taong isinilang na walang swerte sa buhay pag-ibig. Siguro nung nagsabog ang Diyos ng love life lucky charms, tulog ako. Kahit kasi anong gawin lagi na lang palya, lagi na lang laos at lagi na lang akong kawawa sa bandang huli.

P12388658951ero sabi nila, hanggang buhay daw ang isang tao, dapat itong kumapit sa walang kamatayang PAG-ASA. Kaya lang minsan ang hirap, lalo lang akong umaasa, lalo lang akong inilalaglag ng buhay.

Nasaan na kaya si Kupido? Bakit kaya hindi naman nya subukang dalawin ako minsan…. kahit isang beses lang. Bago mahuli ang lahat…

Bakit ako happy?

Friday, November 11th, 2005

864285341 Sana hindi ka nagbabasa ng blog, sana hindi mo malamang para sa iyo to…

Kahit alam kong panaginip na naman ito, na wala ring pupuntahan lahat, kuntento ako. Gusto kong tinitingnan ka mula sa malayo, gusto kong naririnig yung boses mo kahit hindi ako ang kausap mo. Kaya lang hindi ko maiwasang itanong kung bakit huli na naman akong dumating sa buhay mo, kung bakit huli ka na rin nang dumating sa buhay ko??? Noong una kitang makita, ang sabi ko….ayan, mabuti naman at may mapati-tripan ako dito sa bagong mundong pinasok ko…pero hindi lang pala trip… hindi lang pala basta ganun…kasi iba ka.

Hindi man kita maabot ngayon, hindi mo man malamang ikaw ang tinutukoy ko, kahit wala kang pakialam, ok lang. Alam ko ang pangalan ng mahal mo, nabasa ko sa isang testimonial ng isang kaibigan mo…sana masaya ka sa piling nya…sana hindi ka umiiyak.

Ako, mananatili na lang sigurong ganito, pero uulitin ko…masaya ako.